Life Goes On…


Kwentong Jeepney!
June 2, 2006, 11:20 am
Filed under: Life in general

Ang saya ng mga kwentong jeepney ko from Cavite to where else.. UP.. Nakakatawa lang pagmasdan ung mga pasahero at pano sila makipaginteract sa isa't isa.. hehehe.. Di ba sa jeep para ka lang tangang tumitingin tingin sa paligid, ngayon tignan natin ang maaksyong sakayan na jeep. 🙂

Sudden Friends ( Bayanan-Zapote)

Ang tagal talaga maghintay ng mga sakayan na diretsong BACLARAN, kaya nga ZAPOTE muna ako tsaka ulit sakay ng diretsong BACLARAN, hay life, eh kung di ako nagYAKAL, ganoon ung mangyayari sa akin forever. 

Moving on sa story, lagi kasi akong naghihitay ng mga jeep na diretso at lagi kong sinasabi na ung huling ZAPOTE na makita ko dun  na ako sasakay. So un nakasakay na ako, ang konti naman mas gusto ko un mga 4 lang kami, kamusta naman ung kita ng drive. Tahimik kaming lahat elow, wala namang magkakakilala sa amin eh. May babaeng mejo sophisticated ang itsura, merong lalakeng nakapolo shirt, at dalawang manang na mamalengke yata sa bayan. Naging maingay ang jeep noong napahinto ito at napagusapan nung driver at nung dalawang matanda, ung mga motorsiklo, kesyo daw mahilig makisiksik at napunta sa HIT AND RUN, kesyo daw kaya ung mga river tinatakasan ung mga ganoong aksidente para makaiwas sa mga bugbog ng mga tao. Ayun instant friends na ung matanda sa mga ganoong usapan, at nung pababa na kami. magkasama na sila. Ang saya no!

Akalain mong makilala mo ung friends mo sa jeep lang, ang hirap pa namang gumawa ng mga kaibigan un, kasi di mo alam ung mga ugali, dati ko pagustong gawin un. Un parang pag nasa FX ka bigla mo na lang sila kakausapin, para di boring ung pagsakay mo ng jeep or sa case na to FX. hehe.. Kelan kaya un?

Looks Can Be Deceiving (Zapote-Baclaran)

Nasabi ko na ung tungkol sa parang sophisticated na babae na nakasabay ko earlier, guess what? nakasabay ko na naman siya. hehe.. At nalaman kong sa Chinese Temple pala siya baba. Ano kaya meron dun, at kelangan ganun ung pananmit niya, eh parang pang squatter's un eh.. hehe. Ewan ayoko na lang mag isip pa na kung ano.. 🙂

Wala naman ibang kaganapan sa jeep na un. Except dun sa tomboy na init na init na sa side na inupuan niya kasi ung araw eh naka tutok sa kanya. Gustuhin man niyang lumipat, di ko alam kung bakit ayaw niya. hehehe.. 🙂 

Hot Momma (Baclaran-MRT)

Nasakay na naman ako sa jeep na yon, last time kong sumakay dun merong umiiyak na babae, anak yata nung driver, kasi di niya mapagana ung radio. Ngayon di na siya umiiyak, tumatawag na siya ng pasahero. May something sa kanya ng parang, laging nakatulala. O well, ayoko ng magdwell sa kwento niya, baka later natin malaman…

Mejo masikip ang jeep, maliit talaga para sa pituhan. May isang matandang babae ang sumakay ng jeep at sumiksik sa maliit na espasyong available. Nagpustura siya sa isang bakla na umusod pero napakanegligible ng ginawa niyang pag-usod. So sikip na sikip siya, meron siyang katabing magsyota, parang nairita ung lalake at sinabihan siya na:

                     "Eh di magtaxi ka kung nasisikipan ka, eh bat sa jeep k sumakay!"

Sorry mejo natawa ako, tama naman ung lalake,, bakit nga siya reklamo ng reklamo, di naman taxi ung sinasakyan niya. 🙂  Bumaba ung magsyota sa HERITAGE HOTEL at un di na nasikipan ung ALE.. 🙂

Finally Here! (HI-Way-UP) 

May dalawag nuns ang nakasabay ko. Minsan iniisip ko ano kaya ungn mga iniisip nila, lagi bang ang Diyos? ang mga naapi? Minsan nga rin naisipan kong magpari. Pero parang napakamakasalanan ko parang maging isang pari.. hehe. Well malay din natin..

Nandito na ako finally.. Nyak removals ko na pala un 4 hours from now. Wish me luck! 🙂 

Advertisements

Leave a Comment so far
Leave a comment



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s



%d bloggers like this: