Life Goes On…


What a Sem…
October 19, 2006, 12:54 pm
Filed under: Life in general

Grabe talaga ung sem na ito. Hindi ko kinakaya ung gravity ng situation. 41 ko wala ng pag-asa. 43 ko, kelangan ko yata ng 100% sa finals. ME 63 ko, kamusta na un. Sir, maglabas na kau ng results. Sobrang na OOAan ako. grabe. Nakakahiya kasi eh, pano ko sasabihin sa mga parents ko. Maiintindihan ba nila? Socks, delayed na yata ako. Di may pag -asa pa! Kaya dapat pagbutihan ko na to next sem.. Babawi tay, sana nga lang pagbigyan pa tayo ni Doc Nerves. Waaah

Kelangan ko talagang bumawi, paano ba to.. Tulong!!! hehe..

Ano ba kasi ung mga pinagabalahan ko this sem? Yakal, Circuit at PSY lang naman di ba? Ay di pala, CC pa pala, pero malimit na nga ako magpunta dito eh.Meron pa ung sa Lectora. hehe.. Kaya nakapagdecide na ako na next sem mag reresign na ako sa Circuit, tingan ko kung how did I fair? Grabe ano na ba ung nangyari sa akin… Help!!! hehe..

Sorry Circuit, di ko pa masabi ngayon kung bakit ito ung bibitiwan ko.. 😦

Basta laban pa ito!! Go lang ng GO!

Aral na ako ng 43 talaga mamaya!!!

Advertisements


New Bag!
October 2, 2006, 8:24 am
Filed under: Life in general

Finally nakabili na rin ako ng akiong bagong bag. Matagal tagal na kasi akong di nakabili, ang since then parang naghahanap na talaga ako ng kapalit. Simula pa nung marunong na akong makapunta ng Quiapo para sa mga DVD, eh pumupunta ako ng SM Carriedo para makahanap ng bagong bag, but unfortunately, wala akong mahanap na tipo kong bag. Ay ngayon tantarantan…. Ang bago kong bag.. hehe.

HawkGear Bag

Kabibili ko lang nito kahapon, wala kasi akong magawa.. tsk tsk. tamad mag-aral! NO! Sana mapasa ko talaga lahat ng subject ko ngayon.. LORD!

O well nakalagay dun meron siyang compartment for laptop.. Hay… Kelan kaya? Sana this December na.. 🙂 I’m so excited…

My God! Ang lapit na ng CSIW 2006, sana talaga makapasa ako sa lahat ng subjects ko.. PLease.. 🙂

O well un muna. Ciao! 🙂



First Day High…
October 2, 2006, 8:16 am
Filed under: Reviews

WooaH!!

First Day High Ticket

Nanuod ako nito.. hehe.. Yep sa maniwala kayo sa hindi, nakapanuod ako nitong isang Filipino version ng High School Musical. Well ang totoo niyan eh, mejo gusto ko na siyang mapanuod nung lumabas siya sa commercial. Kasi naman ang ganda ng cinematography sa TV, sabi ko nga pang-world-class. hehe..

Mga Tuesday un September 26, palabas na ako ng dorm nun para pumunta ng CC, at mag-internet. Biglang nakita ko si RR tumatakbo, sabi niya “Gusto mong manuod ng FIRST DAY HIGH?” nagisip muna ako totoo ba ito? O wel apparently totoo siya at Premier ito, gusto ko namang makaranas ng Premier showing sa Pinas.

Ang pinaka-una kong napanuod na Premiereh ung sa SPY KIDS 2. hehe. Libre lang kasi galing kay Kuya mula sa Bossing niya. Anyway, dun sa dating premier wala masyadong nangyari kasi International siya. Eh ngayon mas ASTIG, kasi inimbitahan ung mga artista, san ka pa. hehe.. Nakita ko sila Maja, hehe. ako lang ba to or parang wala ng pinagbago ung mga artista as personal at sa tuwing lumalabas sila sa sine.. hehe.. O well un na nga cute pa rin siya. hehe.. ganda niya sa personal at sa tv.. 🙂

Shit, 8 pm na yata nagsimula, buti na lang at di kami dumating ng maaga,, opps take note: MAAGA SI BANANIE NGAYON! very unusual. hehe. Mga 7 kaming nanuod (A-lo, Nanie, Kai, Joel, RR, Cholle) tapos un na nga late na kami nakapasok kasi ang traffic at ang hirap magpark. Dumating kami sa MEGA at wow ang dami mga naka-abang sa mga artista, kala ko kami na yon. Eto pa meron pa kaming gimmick, same color kami sa movie… Brainy HIGH nga un sa akin , kasi wala na akong ibang damit. OmG! hehe. nakared-carpet kami, nahiya ako di ako makatingin sa paligid. hehe.. 🙂

Start ng pelikula. Woooh! High School Musical ba ito? hehe. It says it all mejo ginaya nila. Pero ok lang, minsan nga lang parang ang dragging na ng story, hello masyado silang nag concentrate sa KIMERALD Loveteam, di siya masyadong effective! Mejo may parts na kakatulugan mo, isa tong movie na makakalimutan mo na after one month.. hehe.. Kaya ko nga ginawan ng blog entry, baka makalimutan ko na.. 🙂

Next time wag manunuod ng mga premier. hehe.. jhoke only. Basta libre CARRY.. Salamat kay Kai at sa kaibigan niya. Sa uulitin. 🙂